
Adbokasiya: Sa aming kapwa mag-aaral kami ay nagpapahayag batay sa aming kursong Home Economics (HE). Ang kursong ito, ay pwede sa lahat, binabahagi nito ang pagluluto ng pagkain, paghahanda ng iba't-ibang inumin at pagseserbisyo sa mga mamimili o konsyumer. Narito kami upang manghikayat at magbahagi ng kaalaman sa kasalukuyang mag-aaral. Bilang sariling karanasan, kami ay naging praktikal sa pagkuha ng kursong ito. Hindi naman sa minamaliit namin ang kursong ito, bagkus ito'y napakalaking tulong, lalong-lalo na sa mga mag-aaral na hindi makapagpatuloy sa kolehiyo dahil sa kakulangan ng pangangailangang pinansiyal. Para makatulong sa gastusin ng mga magulang tulad ng pagtatrabaho o part time job sa iba't-ibang Fast Food Chain. Sa pamamagitan ng kursong ito hindi lang makapagbibigay ng trabaho, madadagdagan rin ang iyong kaalaman o espesyalisado sa larangang ito. Makakakuha ka rin ng NCII o National Certificate at TESDA Certificate na napakalakin...