Sa aming kapwa mag-aaral kami ay nagpapahayag batay sa aming kursong Home Economics (HE). Ang kursong ito, ay pwede sa lahat, binabahagi nito ang pagluluto ng pagkain, paghahanda ng iba't-ibang inumin at pagseserbisyo sa mga mamimili o konsyumer. Narito kami upang manghikayat at magbahagi ng kaalaman sa kasalukuyang mag-aaral.
Bilang sariling karanasan, kami ay naging praktikal sa pagkuha ng kursong ito. Hindi naman sa minamaliit namin ang kursong ito, bagkus ito'y napakalaking tulong, lalong-lalo na sa mga mag-aaral na hindi makapagpatuloy sa kolehiyo dahil sa kakulangan ng pangangailangang pinansiyal. Para makatulong sa gastusin ng mga magulang tulad ng pagtatrabaho o part time job sa iba't-ibang Fast Food Chain. Sa pamamagitan ng kursong ito hindi lang makapagbibigay ng trabaho, madadagdagan rin ang iyong kaalaman o espesyalisado sa larangang ito. Makakakuha ka rin ng NCII o National Certificate at TESDA Certificate na napakalaking tulong sa pag-aaply mo ng trabaho sa ibang bansa. Sapagkat ito'y hinahanap-hanap ng mga employer o may-ari ng establishment/restaurant.
Isa kami sa mga maswerteng estudyante na nakaabot o nakaranas sa kursong ito. Kami ay umaasa na sana ay maraming kabataan kukuha sa kursong ito.
Gusto namin makita sa hinaharap na maraming magtatagumpay sa larangang ito.
Miyembro:
Patindol, Kimberly Jane
Cabang, Dorence Gail
Gaabon, Marga
Danao, Clint
Grade-12 HE-1
Comments
Post a Comment